Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na bilisan ang vaccination rollout sa mga lalawigan sa gitna ng hiling ng mga Local Government Units (LGUs) para sa dagdag na supply ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Robredo, hindi lamang sa Metro Manila may konsentrasyon ng kaso ng COVID-19 cases kundi sa iba pang mga lalawigan kaya dapat palakasin pa ng gobyerno ang pagbabakuna sa iba pang lugar sa bansa.
Paliwanag ni Robredo na maraming LGUs ang umaalma sa mabagal na paghahatid ng bakuna ng gobyerno.
Una nang pinangunahan ni Robredo ang kanyang Vaccine Express program sa Magalang, Pampanga na nagbakuna ng mahigit 2,000 residente doon.
Sa pagdating ng bagong batch ng Sinovac doses, umakyat na sa 69,699,340 dose ang bakunang natatanggap ng bansa.
Karamihan ng mga nasabing bakuna ay ipadadala sa Regions 4-A, 3, 6, 7, 11, 2, 1, at 9 habang ang ibang bahagi naman ay gagamitin para sa second dose sa Metro Manila.