Vaccine wastage bineberipika pa ng NVOC

Iniimbestigahan na ngayon ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang report hinggil sa umano’y hindi naipamahaging mga bakuna na malapit ng mapaso o ma-expire.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NVOC Chairperson Usec. Myrna Cabotaje, batay sa mga nakukuha nilang reports, may mga bakunang malapit nang mapaso ang naibakuna naman, subalit mayroon ding nanatiling nakatago o nakaimbak sa mga warehouse at cold storage facility.

Nais nilang malaman kung bakit hindi ito nagamit sa nagpapatuloy na national vaccination campaign ng pamahalaan.


Lalo pa at may mga reklamo na hindi na a-accommodate ang ilang nais na magpabakuna.

Base sa inisyal na mga ulat, tinatayang nasa 300,000 doses ng AstraZeneca at Moderna ang malapit nang masira.

Facebook Comments