Wala nang dapat ipangamba ang mga driver at may-ari ng public tricycles, pedicab at e-trikes sa Valenzuela City na mapapatawan ng multa dahil hindi makapag-renew ng kanilang mga permits.
Nagpasa na kasi ng tatlong Ordinansa ang pamahalaang Lokal na nagtatanggal sa penalties at surcharges para sa Late Renewal ng registration at iba pang permits ng mga Pedicab, Tricycles at E-Trikes.
Ginawa ito ng Pamahalaang Lungsod bunsod ng umiiral na Enhance Community Quarantine sa Luzon dahil sa Coronavirus o COVID-19 Pandemic.
Nakapaloob sa mga ordinansa ang pagbigay sa mga driver, owners at operators ng 30 araw pagkatapos ng ECQ para iproseso ang requirements sa renewal ng kanilang motor vehicles.
Saklaw ng amnestiya ang lahat ng renewal mula Marso hanggang sa matapos ang Enhance Community Quarantine.