Valenzuela swab test result at certificate of isolation, pwede ng kunin online

Magandang balita para sa mga Valenzuelaño, dahil hindi na kailangang maghintay ng tawag o lumabas pa ng bahay para kunin ang kanilang COVID-19 swab test result at Certificate of Isolation.

Ayon sa Valenzuela City Government, maaari ng i-download ang naturang mga dokumento online sa valswabresult.appcase.net.

Napakadali ng proseso, kung saan kailangan lang i-type ang buong pangalan at birthday sa nabanggit na website at i-click ang submit para makuha ang resulta.


Magiging available online ang swab test result sa loob ng 24-oras matapos ang swab test.

Ipinaalala naman ng Pamahalaang Lokal ng Valenzuela na tanging ang mga test result na naproseso lamang aa Valenzuela Hope Molecular Laboratory ang maaring makita sa online portal.

Facebook Comments