17 BAYAN NG ISABELA, ZERO COVID-19 CASES

47
Cauayan City, Isabela- Patuloy na nadaragdagan ang mga bayan sa Isabela na COVID-19 Free batay sa pinakahuling datos ng Provincial Information Office kahapon, March 11, 2022.

Umabot na sa labingpito (17) ang mga lugar na zero covid-19 cases na kinabibilangan ng Angadanan, Benito, Soliven, Burgos, Cabatuan,Dinapigue, Divilacan, Gamu, Maconacon, Mallig, Naguilian, Palanan, San Guillermo, San Isidro, San Manuel, San Mariano, San Pablo at Sto. Tomas.

Nadagdagan naman ng walong (8) panibagong kaso ang lalawigan dahilan para umakyat sa limampu’t anim (56) ang aktibo Nananatili naman sa 2,244 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 makaraang walang maidagdag sa bilang ng mga nasawi.

Nasa 66,608 naman ang bilang ng mga nakarekober mula sakit ngunit patuloy pa rin ang panawagan ng kinauukulan sa publiko ang pagsunod sa minimum public health standard kahit nasa Alert Level 1 ang apat (4) na probinsya sa Region 2 kabilang ang Isabela.

Facebook Comments