Vatican, inaprubahan ang ‘heroic virtues’ o mga naiambag ng arsobispong Cebuano na kandidato para maging santo

Mas lumaki na ang tyansang magkaroon ng ikatlong Pilipinong santo ang Simbahang Katolika.

Ito ay matapos aprubahan ng Theological Commission of the Congregation for the Causes of Saints sa Vatican ang “positio” o yung mga dokumento na nagpapatunay sa mga naiambag ng yumaong si Archbishop Teofilo Camomot.

Ayon sa Archdiocese of Cebu na isa sa mga nanguna para ma-canonize si Camomot, nakakuha ang yumaong arsobispo ng unanimous na boto mula sa siyam na miyembro ng nasabing komisyon.


Pag-aaralan naman ng Commission of Bishops and Cardinals ang “positio” ni Archbishop Camomot at saka ipe-presenta sa santo papa para aprubahan.

Kapag naaprubahan, maaari na siyang tawaging ‘venerable’ bago maging ‘blessed’ o pinagpala at ang huli ay ang pagiging santo.

Si Archbishop Camomot na tubong Carcar City sa Cebu ay nasawi noong Setyembre 27, 1988 dahil sa car accident.

Nakilala ito dahil sa kaniyang kabutihan at pagtulong sa mga kapos-palad.

Facebook Comments