Bukas ang Vatican na makipagtulungan sa mga otoridad para sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa natagpuang kalansay sa Embahada sa Rome nitong Biyernes.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon, natagpuan ang kalansay, makaraang bungkalin ang sahig sa janitor’s lodge ng embahada.
1980’s pa nang huling sumailalim sa restoration ang naturang sahig, kaya at hinala ng mga pulis, posibleng pagmamayari ng isa sa dalawang teenager na nawala noong 1980’s, ang naturang kalansay.
Lumulutang rin ang anggulo na posibleng asawa ng isang custodian ang nagmaayari ng kalansay. 1960’s naman ng manirahan doon mag-asawa, kung saan ayon sa mga kapitbahay ay madalas nilang naririnig ang mga ito na nagtatalo hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lamang nila na hiniwalayan na ang custodian ng kaniyang asawa at iniwan.
Sinimulan na ng Italian police na kuhanan ng salaysay ang mga dating custodian na nagsilbi sa embahada. Habang binuksan naman ng Vatican ang kanilang archives para makatulong sa imbestigasyon.
Sasailalim rin sa DNA test ang na-recover na kalansay.