VCMs at ballot boxes na gagamitin sa buong bansa, ipinadala na ng COMELEC

Sinimulan ng ibiyahe ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga Vote Counting Machine (VCMs) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaninang hatinggabi.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kahapon ay nagsimulang ilagay sa mga truck ang VCMs at ballot boxes.

Dadalhin ang mga ito sa iba’t ibang warehouse na tinukoy ng COMELEC bilang transit points.


Samantala, magpapatuloy hanggang sa unang dalawang linggo ng Abril ang paghahatid ng naturang equipments sa mga warehouse sa buong bansa.

Facebook Comments