Ilagan, Isabela – Bumaba na ang bilang ng Vehiculkar Accident sa buong probinsya ng Isabela sa idinaos na Road Safety Summit kahapon sa Isabela Provincial Capitol, April 04, 2018.
Ito ay pinangunahan nina Council Action Officer Atty. Constante Fronda Jr,, IPPO Acting Provincial Director, Police Senior Superintendent Romeo Mangwang, at LTO Regional Director Romeo Solomon Sergio Sales.
Sa pagtutok ng RMN Cauayan News sa naturang summit, inihayag ni Police Senior Superintendent Mangwang na bumaba na sa 486 insidente ngayong 1st quarter ng taon mula sa datos na naitala noong 1st quarter ng 2017 na may 680vVehicular accidents.
Pinakamataas dito ay ang kaso ng reckless imprudence resulting to damage to property at pinakamababa ang datos ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Ilan umano sa mga dahilan ng pagkakaroon ng ng aksidente ay ang kawalan ng disiplina sa pagmamaneho.
Ayon kay LTO Regional Director Sales, patuloy umano sila paghuli at pagimplimenta ng mga batas trapiko at pagtuturo ng kanilang ahensya sa mga paaralan lalo na sa mga bata kung paano ang tamang pagtawid at pagsunod sa mga signages sa kalsada.