Vendor na Nagpositibo sa COVID-19, Inilihim Umano ng Pamilya

Cauayan City, Isabela- Inilihim umano ng pamilya ang sitwasyon ng isang imuwing vendor na nagpositibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy Chairman Rey Uy ng Sindon Maride, kanyang sinabi na ang lalaking vendor na COVID-19 positive ay nagtatrabaho sa loob ng palengke ng syudad.

Una rito, napag-alaman na umuwi ang nasabing nagpositibo subalit itinanggi ito ng kanyang pamilya hanggang sa ipinamonitor sa nakatokang brgy. Kagawad at nakumpirmang nakauwi ang pasyente kasama ang kanyang pamilya.


Ayon pa sa Kapitan, pinapasok umano ng nagbabantay sa checkpoint ang pasyente dahil sinabi ng kanyang ina na wala itong sakit at siya ay mamamasyal lamang sa kanilang bahay at babalik din agad sa kanyang trabaho.

Dahil dito, nasa 17 katao ang natukoy na naging direct contact ng nagpositibo kabilang na ang pamilya na ngayo’y kasalukuyang naka strict home-quarantine.

Sumailalim na rin ang mga ito sa swabtest at hinihintay na lamang ang kanilang resulta.

Habang nasa sampung (10) pamilya naman ang kasalukuyang minomonitor na mga naging second contacts ng nagpositibo.

Sinabi pa ng Kapitan na hindi naman sila nagkulang sa pagpapatupad ng health and safety protocols kaya’t muli nitong ipinaalala sa mga kabarangay ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, face shield, pag-obserba sa social distancing at personal hygiene.

Ang barangay Sindon Maride ay kabilang sa mga barangay na kasalukuyang sumasailalim sa localized lockdown sa Lungsod.

Facebook Comments