
Posible nang matapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na buwan o bago mag-Pasko ngayong Nobyembre at Disyembre 2026, kung walang magiging anumang delay o dilatory tactics sa proseso.
Ayon kay Congresswoman Gerville Luistro, mahalagang petsa ang Nobyembre 9 dahil ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na opisyal nang didinggin ang kaso at inaasahang maririnig na ang malinaw na sagot ukol sa usapin ng hindi maipaliwanag na yaman at mga alegasyon laban sa bise presidente.
Binigyang-diin ng kongresista na mula sa dating tinatayang 30 trial days para sa apat na articles of impeachment, maaari na itong maipareserba at matapos sa loob lamang ng 10 hanggang 15 trial days upang maiwasan ang tinatawag na “impeachment fatigue” at maibigay na agad ang sintensya o verdict sa publiko.
Hinimok din ni Luistro ang suporta at pagsubaybay ng mga Pilipino sa gaganaping paglilitis habang nanawagan na hindi na dapat pa itong paabutin o lumawig pa sa taong 2027.
Ito ang ibinahagi ni Cong. Luistro sa National Security Forum sa Villamor Air Base Golf Club, Pasay City, ngayong Biyernes, November 6.










