Friday, November 6, 2026

Blind spots sa mga kulungan dahil sa kulang na CCTV at kagamitan, pinaaaksyunan ng Malacañang

Pinaaaksyunan ng Malacañang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kakulangan ng mga kagamitan at pasilidad sa mga kulungan.

Kasunod ito ng pag-amin sa pagdinig ng Sandiganbayan na hindi tuloy-tuloy ang recording ng ilang CCTV camera sa New Quezon City Jail Male Dormitory dahil sa kakulangan ng decoder.

Dahil dito, may mga bahagi ng kulungan na hindi namo-monitor.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi dapat maging dahilan ang kakulangan ng kagamitan para hindi magampanan ng mga jail personnel ang kanilang tungkulin.

Samantala, binawi ng kolumnistang si Ramon Tulfo ang nauna niyang akusasyon laban kay dating House Speaker Martin Romualdez at inaming wala itong matibay na basehan.

Pinuri naman ni Castro ang pag-amin ni Tulfo at hinimok ang iba pang nagpapakalat ng maling impormasyon na tularan ito at aminin ang kanilang pagkakamali.

Facebook Comments