Inamin ng komedyanteng si Vice Ganda na sinubukan niyang “gamutin” umano ang kaniyang kasarian noong siya ay bata pa.
Sa isang panayam, batid ni Vice sa sarili na siya ay isang bakla pero sinubukan niyang gamutin ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng limang girlfriend.
Pero napagtanto niyang hindi naman ito kailangang gamutin dahil hindi naman ito sakit at mas lalo lamang niyang napagtanto ang tunay niyang gender orientation.
Dagdag pa nito, natutunan niyang hindi kayang baguhin ng isang tao ang kung sino sila talaga.
Ibinunyag din ng komedyante na hindi niya kayang halikan sa labi o makipagtalik sa babae dahil sa kilabot na dala nito sa kaniya.
Facebook Comments