Vice Governor Tomas Sr., Hindi hihingi ng Paumanhin sa kanyang naging Asal sa Sesyon

Cauayan City, Isabela- Hindi umano hihingi ng paumanhin si Vice-Governor Jose ‘Tam An’ Tomas Sr. ng Nueva Vizcaya matapos nitong hindi mapigilan ang kanyang naging asal at makapagsalita umano ng wala sa lugar lalo pa’t ang usapin ay tungkol sa korapsyon.

Ito ang tahasang sinabi ng opisyal matapos magkomento si Board Member Nestor Sevillena at tinawag umano siyang “ill-mannered, unruly, at debased person” noong naganap ang regular session nitong unang araw ng buwan ng Marso.

Ipinunto rin ng bise-gobernador ang ginawang pag-iimbestiga sa kanyang personal na buhay matapos ang paglantad nito ng korapsyon sa Provincial Government ng Nueva Vizcaya.


Tinutukoy ng opisyal ang konstruksyon sa tatlong (3) flagship project ng kapitolyo na nagpapakita ng mga ebidensya ng iregularidad.

Bukod dito, hinarap din niya ang komento na siya ay hindi tulad ng mga dating opisyal.

Giit pa nya, hindi siya nakikipagkompetensya sa kung sinuman bagkus kailangan lang na pag-ibayuhin ang paglilingkod sa publiko.

Facebook Comments