Dalawang lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Payatas

Payatas – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na salarin sa Payatas, Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima na ang isa ay nakitang nakabulagta sa isang side car habang ang isa naman ay natagpuang duguan at patay sa tabi ng isang bisikleta.

Dakong alas dyes nang gabi nang mangyari ang krimen, at hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.


Facebook Comments