Vice Mayor ng Pasig, nagpapa-auction na rin ng kanyang mga sapatos para may maibigay na tulong sa mga residente

Nagsimula na ring magbenta online ng kanyang mga sapatos si Pasig City Vice Mayor Iyo Christian Bernardo.

Sa kanyang Facebook post apat na mga sapatos ang pina-auction ni Vice Mayor Bernardo.

Ayon kay Vice Mayor Bernardo ang malilikom dito ay ipambibili ng mga bigas, delata at iba pang pagkain para sa kanyang mga kababayan sa lungsod ng Pasig.


Kabilang sa ipinapa-auction ni Bernardo ang New Jordan 1 Mid-Royal Blue na may starting price na 2 libong piso, dalawang Jordan shoes na pawang may starting Price na Php3,000 at isang Nike shoes.

Maaring sumali sa subasta ang sinumang gustong bumili para na rin makapagbigay ng tulong sa mga residente ng Pasig City.

Bilang Presiding Officer ng City Council ng Pasig, pinangunahan ni Bernardo ang pag-apruba sa Resolusyon na nagbibigay ng dagdag na Hazard Pay sa lahat ng Frontliners sa lungsod maging ang pagbibigay ng ayuda sa lahat ng pamilyang hindi naisama sa ibinibigay na Social Amelioration Fund Assistance ng DSWD.

Facebook Comments