CIW, nakikipag-ugnayan na sa pamilya ng babaeng inmate na namatay sa COVID-19

Nakikipag-ugnayan na ang Correctional Institution for Women (CIW) sa kamag-anak ng 72-anyos na inmate na binawian ng buhay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang person deprived of liberty (PDL) na nakaranas ng pneumonia symptoms at dinala sa pagamutan noong Abril 13 ay namatay kahapon.

Magugunitang ang pagkaka-admit ng PDL sa ospital ay siya ring dahilan kung bakit agad nagsagawa ng contact tracing at isolation ang CIW sa mga pasyenteng nakasalamuha ng naturang inmate.


Sa ngayon, nasa 47 PDLs mula sa 137 na sumailalim sa COVID-19 test ang nagpositibo na sa virus.

Samantala, kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na 50 inmates na ang nag-positibo sa naturang virus at tatlo ang namatay.

Sila ay pawang mula sa New Bilibid Prisons (NBP) at CIW.

Facebook Comments