Tatapatan ni Vice Mayor Ramoncito Robles ng Calabanga si incumbent Mayor Eduardo Severo sa darating na 2019 elections.
Ito ang malinaw na ipinahayag ng Vice Mayor sa panayam sa kanya ng RMN Naga – DWNX.
Ayon kay Robles, nasaktan siya nang malaman niya na hindi siya kinunsidera ni Severo sa plano nito sa darating na election. Bagkus ay may dalawang kawani ng Sangguniang Bayan pa umano ang kumikilos ngayon para makahanap ng magiging running mate ni Severo. Hindi nabanggit sa report kung sino ang dalawang mga kagawad na kinausap ni Severo para maghanap ng makakatambal niya bilang bilang vice mayor sa 2019 elections.
Ayon pa kay Robles, malinaw na ayaw na ni Severo. Ito ay sa kabila ng kanyang paniniwala na may kakayahan pa naman siyang tumakbo bilang bise alkalde. Nagtataka ang vice mayor kung bakit hindi siya kinunsidera na magiging running mate ni Severo.
Dahil sa nasabing pangyayari, tinuldukan na ni Robles ang posibilidad na maging running mate pa siya ni Severo sa darating na 2019 elections. Kaya ipinahayag ni robles na talagang buo na ang kanyang pasya na lalabanan niya si Severo sa pagka-mayor ng Calabanga sa darating na halalan.
Binigyang-diin din ni Robles na sa kanyang pagtapat kay Severo, susurportahan niya si Cong. Nonoy Andaya na una ng nagpahayag ng intension na kakandidato bilang governor ng Camarines Sur laban kay incumbent Governor Migz Villafuerte.
Samantala, sa bayan naman ng Ocampo, Camarines Sur, nagpahayag na rin ng kanyang kapasyahan si Vice Mayor Ronald Allan Go na tatakbo siya sa pagka alkalde sa darating na 2019 elections laban kay incumbent Mayor Corazon Olos. Si Cong. Nonoy Andaya rin ang kanyang susuportahan bilang gubernador ng probinsiya.
Vice Mayor Robles VS Mayor Severo, Calabanga; Vice Mayor Go VS Mayor Olos, Ocampo sa 2019
Facebook Comments