Vice President Leni Robredo, dudulog sa United Nations para ilapit ang sitwasyon ng bansa kaugnay sa pinaigting na war on drugs ng Duterte Administration

Manila, Philippines – Ilalapit na ni Vice President Leni Robredo sa United Nations ang sitwasyon sa bansa kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra droga ng pamahalaan.
 
Sa pamamagitan ng isang video message mula sa Office of the Vice President, ipapakita ni Robredo ang dami ng mga kaso ng Extrajudicial Killings sa Pilipinas simula ng maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.
 
Ang 6-minute video ay nakatakdang ipalabas sa ika-60 united nations commission on narcotic drugs annual meeting sa Vienna, Austria.
 
Ayon sa pangalawang pangulo, ang pagbibigay-pansin ng international community sa mga kaganapan sa Pilipinas, ang nagbibigay ng PAGASA sa mga pinoy na matitigil na ang mga kaso ng Human Rights Violations at Extrajudicial Killings.
 
 
Bagama’t nagkakaisa aniya ang bansa na problema ang peace and order sa pilipinas iginiit nitong hindi dapat idinadaan sa karahasan ang pagtugon sa suliraning ito.
 
Sa halip, dapat resolbahin ang problema sa kahirapan na siyang ugat ng problema sa bansa.
 
 RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments