MANILA – Nilinaw ng Malacañang na hindi nila pinilit si Vice President Leni Robredo na magbitiw sa pwesto bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Commission (HUDCC).Pero, aminado si Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi naging kumportable si Pangulong Rodrigo Duterte sa political actions ni Robredo kaya inatasan ito na huwag nang dumalo sa mga cabinet meeting.Paliwanag ni Abella – kapag hindi na naging kumportable ang pangulo sa isang cabinet member ay may karapatan itong magpalit ng isang miyembro.Una rito, sinabi ng Palasyo na ang “irreconcilable differences” ang dahilan kung kaya pinagbawalan si Robredo na dumalo sa mga cabinet meeting.Aminado naman si Georgina Hernandez, Spokesperson ni Robredo na walang kinalaman sa performance ng Vice President sa HUDCC ang hindi pagpapadalo sa kanya sa pulong ng gabinete.Makailang ulit na ring nagkairingan ang dalawang lider ng bansa sa ilang mga isyu ng bayan, partikular sa usapin ng EJK, death penalty at Marcos Burial.
Vice President Leni Robredo, Hindi Pinilit Ng Malacañang Na Magbitiw Bilang Chairperson Ng Hudcc Ayon Kay Sec Abella
Facebook Comments