Vice President Leni Robredo, nag-negatibo sa COVID-19

69

Ito ang mismong inanunsyo ng Office of the Vice President (OVP) matapos lumabas ang resulta ng swab test kay VP Robredo.

Nauna nang nag-isolate ang Bise Presidente at ang kaniyang staff makaraang may makasalamuha silang nagpositibo sa COVID-19 sa mga isinagawang aktibidad ng OVP.


Dahil dito, tuloy na ang mga aktibidad ni VP Robredo ngayong araw at sa susunod na mga araw.

Nagpasalamat din ang Vice President sa lahat ng nanalangin para sa kaniyang agarang pagaling.

Facebook Comments