Kasunod ng kabila-kabilang balita tungkol kanyang love life, umapela sa publiko si Pasig City Mayor Vico Sotto na huwag itratong showbiz stars ang mga opisyal ng gobyerno.
Sa Twitter nitong Linggo, pinuna ng mayor ang mga balita tungkol sa kanyang naging pahayag sa “Bawal ang Pasaway” at sinabing hindi ito “newsworthy”.
I made this joke during an interview to change the topic.
It is definitely not newsworthy. If i knew it would get this much attention i just wouldnt have answered.
If we want better governance, we should stop treating our government officials like showbiz personalities. pic.twitter.com/IA6OpEYc6M
— Vico Sotto (@VicoSotto) August 25, 2019
“Sana naman before 40. Sa ngayon ang masasabi ko lang diyan, Diyos na po ang bahala. Tumatanggap naman ako ng aplikante,” ani Sotto sa host ng nasabing programa na si Winnie Monsod.
Naging usap-usapan ito at umabot sa puntong nag-viral sa Facebook ang isang netizen na gumawa ng resume para “mag-apply”.
Paglilinaw ng mayor, biro lang ang sinabi niya para ibahin ang usapan.
“If I knew it would get that much attention, I just wouldn’t have answered,” aniya pa sa tweet.
Giit ng mayor, “If we want better governance, we should stop treating our government officials like showbiz personalities.”