Video ng babaeng nanakawan ng pera habang kumakain sa isang restaurant sa Tarlac – Viral

76

Tarlac, Philippines – Viral sa social media ang post ng isang babaeng nanakawan ng pera habang kumakain umano sa isang restaurant sa Gerona, Tarlac.

Sa facebook post ni Karen Cruz, kinuha ang kanilang gamit na nasa loob ng kanilang sasakyang nakaparada sa labas ng isdaan restaurant nitong may 11 kung saan sila kumakain.

Iginiit naman ng management ng restaurant na wala silang pananagutan sa pagkawala ng mga gamit kahit pa sa harap ng kanilang establisyimento nakaparada ang sasakyan.

Lumalabas na hindi ito ang unang beses na may nanakawan sa lugar.

Malinis ang pagnanakaw kaya hindi malaman kung paano nabuksan ng mga kawatan ang sasakyan

Nanawagan din ang biktima na kailangang mapanagot ang management ng restaurant sa nasabing insidente.

Aminado naman si Gerona, Tarlac PNP Chief, Supt. Franklin Estoro – mahirap na tuntunin ang mga kawatan.

Sa kasamaang palad pa ay walang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw.

Sa isang statement, binigyang diin ng Isdaan restaurant na hindi sila nagkulang sa kanilang mga customers na ingatan ang kanilang mga mahahalagang gamit.
DZXL558

Facebook Comments