Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang vlogger kung saan sosorpresahan sana niya ang kanyang ama sa Father’s Day, ngunit wala na itong buhay nang abutan niya.
Sa video ng YouTuber na si Keith Talens, in-edit niyang parang normal o gaya lang ng iba niyang vlog ang pangyayari–mula sa simula ng byahe ng kanilang grupo, pagkukwento niya ng plano niya, maging ang pagkaligaw nila hanggang sa makita niya ang amang nakahiga at nakatakip ng puting tela.
Maraming umano’y lumuha sa video na ito at bumuhos ang pakikiramay sa vlogger, ngunit may iilan na bagama’t nalungkot din sa pangyayari at naiintindihan ang dalamhati, ay hindi naiwasang kuwestiyonin ang desisyon ng vlogger na i-upload pa ang video at pagkakitaan ito.
Sa isang thread sa reddit na nagsimula sa post na “keith talens did an oopsie”, pinuna ng ilang users ang ginawang pag-eedit ni Talens na mayroon pang “happy music” sa umpisa at nakuha pang mag-timelapse.
Hindi rin nakaligtas sa usapan na nilagyan na ng vlogger ng advertisements ang video.
Sabi pa ng isang user: “Iiyak na sana ako, kaso nagplay ung shopee commercial. Napakanta nalang tuloy ako. 😅”
Ganito rin ang simpatya ng ilang Twitter users, gaya ni Love, Rosie (@sselsissel) na naglaan ng isang thread para sa isyu.
🤷🏻♀️A THREAD:
Keith Talens – The vlogger who recently posted a “fathers’ day surprise” vlog on his channel which turned out to be a mourning and grieving surprise for them.#KeithTalens pic.twitter.com/HaKCqxN2Kr
— Love, Rosie 🥀 (@sselsissel) June 16, 2019
Ani Rosie, “pain, realizations, and empathy” ang pawang naramdaman niya, ngunit kabastusan aniya ang pagkakitaan ang pagkamatay ng ama ni Talens.
BUT how can you be so rude posting your father’s death on Youtube for the viewers and the salary? Why, Keith?
— Love, Rosie 🥀 (@sselsissel) June 16, 2019
Sa Facebook naman, bahagyang pabirong inihayag ng ilan opinyon sa nasabing isyu.
Mayroon pang nagkomento sa thread ng: “Next video: Nagparamdam si dade”
Matapos ang “surprise video” ni Talens, sinundan niya ito ng video na may title na “ANO NGA BA NANGYARE SA DADE KO?”