Bulacan, Philippines – Viral sa social media ang isang post kung saan binaklas ng mga traffic enforcer ang plaka ng mga motorsiklo na nakaparada sa labas ng isang supermarket sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa ulat, pinagbabaklas ng mga traffic enforcer ang mga plaka kahit nakaparada ito sa tamang parking area ng supermarket.
Pero dahil sa madalas na ito mapuno sa sidewalk na pumaparada ang mga motorista.
Ayon kay Bobby Esquivel, head ng Traffic Management Unit Sidewalk Clearing Operation Group – hindi natuloy ang pagbabaklas sa mga plaka dahil nakiusap ang pamunuan ng supermarket na magbigay ng warning.
Pero batay sa Land Transportation Code, pwedeng i-impound ang mga sasakyan na iligal na nakaparada kahit na walang may-ari.
Paliwanag namang ni Esquivel – hindi naman nila ito magawa dahil wala silang wrecker na pang-tow ng mga sasakyan.
Kaya binabaklas na lamang nila ang mga plaka na ipinatutubos mula 500 hanggang 2,000 pesos depende sa bigat ng violation.
Ayon kay San Jose Del Monte City, spokesperson Ronald Soriano – hindi na nila pinapayagan ang baklas plaka kaya plano na nilang bumili ng tow truck para hindi na maulit ang insidente.
Payo ng otoridad sa mga motorista, sumunod sa batas para hindi sila maabala.
DZXL558