Kumakalat ngayon sa twitter ang video ng pre-shaded ballots sa Lanao del Sur.
Mamataan sa video na binubilugan ng isang babae ang mga balota habang may isang tumutulong. Ang mga balota ay latest ayon sa inilabas na official sample ballot ng Commission on Elections (Comelec) at may QR code ang mga ito.
Ayon kay Iya (@sitzfleisch), binura na ito ng nagmamay-ari ng video. Sinubukang kunin ang panig ng owner ng video ngunit sinabi niyang hindi niya inaasahan na magvi-viral ito.
Iniimbestigahan at vine-verify pa ng Comelec ang nasabing video.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 498,000 views, 20,531 retweets at 27,943 likes sa twitter.
Facebook Comments