Vietnam, nagpulong kaugnay sa pagpasok sa kanilang bansa ng mga mamamayan ng China, South Korea at Japan

Nagsasagawa na ng pagpupulong ang gobyerno ng Vietnam para sa planong pagpapaluwag ng pagpasok ng mga mamamayan mula sa China, South Korea at Japan.

Ayon kay Foreign Ministry Spokesperson Le Thi Thu Hang, ang pagbabalik ng biyahe ay base na rin sa pinaigting na disease prevention measures.

Ilan sa mga posibleng luluwagan ay ang mga negosyante at mga skilled personnel na babalik sa Vietnam basta payagan din ang mga Vietnamese na makabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa.


Nabatid na aabot sa 1,000 chinese ang nakatakdang pumasok sa Vietnam ngayong buwan sa pamamagitan ng train para magtrabaho sa industrial park sa Central Province ng Quang Ngai.

Facebook Comments