VIRAL | Bagong trend sa pagpaparetoke, alamin!

Boston – Kung dati, nagdadala ng larawan ng artista ang mga magpaparetoke, upang ipakita sa kanilang mga surgeon ang nais nilang maging kamukha sa kasalukuyan, mismong picture na ng mga pasyente ang dinadala nila, na inedit gamit ang mga filters at app tulad ng snapchat at facetune.

Ayon kay Dr. Neelam Vashi, director ng Boston University Cosmetic and Laser Centre, ang tawag sa bagong phenomenon na ito ay “snapchat dysmorphia.”

Aniya, ito na raw ang trend ngayon, kung saan nais ng mga pasyente na ma-transform sa filtered version nila.


Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang selfie culture sa kasalukuyan ay binabago ang pananaw ng isang tao sa kanilang sarili.

Ayon sa mga surgeon, 55% ng kanilang mga pasyente ay nagpaparetoke, upang mas maging maganda sa kanilang selfies.

Ang term na dysmorphia ay nagmula sa Body Dysmorphic Disorder (DBB) kung saan ang isang indibidwal na nakakaranas nito ay seryosong pinagtutuunan ng pansin o pino-problema ang mga flaws nito.

Ito ay kahit hindi naman talaga halata o hindi naman napapansin ng ibang tao ang ‘kapintasan’ nito.

Facebook Comments