Cauayan City, Isabela-Viral ngayon ang isang 72-anyos na Lolo na mahigit dalawang (2) taon ng gumagawa ng walis sa Bayan ng Buguey, Cagayan sa kabila kanyang kapansanan dahil sa pagkabulag ng kanyang mga mata.
Nakilala ang magiting na si Lolo Amante at kanyang maybahay na si Nanay Netie.
Ayon sa uploder na si Herson Raquinio, batid nito ang hirap ng buhay ngayon subalit hindi matatawaran ang ginagawang hakbang para mabuhay ni Lolo Amante ang kanilag buhay mag-asawa.
Aniya, nangongolekta rin ng mga puno ng niyog ang matanda para gawing walis tingting.
Sa kabila nito, tumulong na rin ang kapulisan ng Buguey para sa pagbibigay ng tulong kay Lolo Amante.
Naglaan na rin ng kaunting tulong gaya ng grocery packs si Raquinio para makapagbigay din simpleng ngiti sa mag-asawa.
Matatandaang si Raquinio ay founder ng kanyang PROJECT LAPIS na siyang nag-iikot sa mga liblib na lugar para bigyan ng tulong ang katutubong grupo ng Aeta.