Halos madurog ang puso ng netizens sa viral photo ng dalawang batang nagluluksa at nasa gilid ng basketball court ang burol.
Ang litrato ay ipinost ni Mohan Scheizk sa Facebook group ng Bantay Trapiko sa Batangas City.
Mababasa ang caption na, “Today at 6PM. Smbat San Pascual Batangas. Lamay sa court. Chance na maulanan. Inilipat sa gilid ng chapel. Tanging bolada ng chapel ang bubong. Baka po matutulungan ng kinauukulan.
Makikita sa larawan na walang puwestong maayos, tent, at kaunti lamang ang upuan sa burol. Wala din kasamang iba ang mga bata nung sila ay makuhahan.
Hindi napigilan ng mga taong magalit sa nasaksihang litrato.
“ang chapel para dapat sa lahat. abuloy ng mga tao ginagamit na funds dyan. tapos marami ka makikitang pulubi natutulog sa labas ng simbahan.”
“Nkkhya ung nkksakop n mga barangay official dyn nkkhya kau mga wala kau silbi d n kau naawa sa patay”
“Nowadays, People respect money not Humanity. So sad 😔”
“Nasa gilid ng chapel, bakit hind sa loob ng chapel iburol? Anu ginagawa ng mga opisyales ng baranggay!”
Sa tulong ng social media, umaksyon agad ang lokal na pamahalaan para mabigyan ang namayapa ng maayos na burol.
Ayon kay Conrad Magbato, nailipat na sa likod ng chapel ang kabaong ng yumaong Rolando Gonzales.
Kuwento niya, namamalimos ito para sa kanyang pamilya at mga apo. Bigla nalang sumakit ang tiyan nito at hindi nadala sa ospital dahil walang sapat na perang panggastos.
Ngayong araw ang libing ni Gonzales sa Bauan Catholic Cemetery.