VIRAL: Guro gumamit ng luma at sirang upuan para pagandahin ang binuong reading corner

Courtesy Facebook/Reynel Calmerin

Humanga ang netizens sa pambihirang galing at pagiging malikhain ng isang guro mula sa Polomok Elementary School sa bayan ng Polomok, South Cotabato dahil gumawa siya ng reading corner gamit ang mga sirang armchair at lababo.

Makikita sa Facebook post ni Reynel Calmerin ang mga makukulay na dingding at unique na silid-aralan para sa mga estudyante ng nasabing paaralan.

“From broken chairs to my classroom wall… para klaro po, itinapon na po iyang mga upuan, kinunan na po iyan ng parts na ginamit pang–repair sa ibang upuan… at saka yang wall… sirang lababo po yan…,” post ni Calmerin na isinalin sa wikang Tagalog.


Ayon pa kay Calmerin, mga tirang sira at lumang upuan, lababo, at armchair ang kanyang ginamit sa pagkukumpuni at pag-aayos ng one-of-a-kind reading corner. Nang matapos ang obra-maestra, agad niya itong nilagyan ng mga libro at ilaw.

At ang nagastos ng ulirang guro – umabot lamang ng 100 pesos.

Dahil sa ipinamalas na galing ng titser, handang magbigay ng tulong ang ilang mga social media users.

“If we wanted to send donations, where would one send them?”

“I am reminded of the time when I was growing up. I can not wait for the Mobile Library to stop by. Please let me know how I can help! Thank you!”

Sa ngayon, mahigit 10,000 shares at likes ang nakamit ng inspiring post ni Calmerin.

Facebook Comments