VIRAL: Guro sa South Cotabato, ni-recycle ang mga sirang upuan

Image via Reynel Calmerin on Facebook

Humanga ang mga netizen sa ginawa ni Reynel Calmerin, isang guro sa South Cotabato, dahil sa pag-recycle nito sa mga sirang upuan.

Sa kaniyang caption sa Facebook, sinabi niyang galing sa mga sirang upuan at lababo ang ginamit upang makabuo ng panibagong makulay na pader.

“From Broken chairs to my classroom wall… para klaro po tinapon na po yang mga upuan kinunan na po yan ng parts na ginamit repair sa ibang upuan at saka yang wall, sirang lababo po yan. #brigadaEskwela #PCES6SPED”


Ani ng isang netizen, dapat lang daw na itaas ang sahod ng mga guro.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 6,200 reactions at 3,700 shares.

Facebook Comments