VIRAL | NoKor leader Kim Jong-un, trending matapos gawin ang sikat na ‘finger hearts’ gesture

Na-‘touch’ ang puso ng maraming South Koreans matapos gawin ni North Korean leader Kim Jong-un ang ‘K-pop’ finger hearts gesture.

Ang ‘Korean heart gesture’ ay kapag pinagdikit ang dulo ng hinlalaki at hintuturo at ginagamit ito ng mga Korean pop stars para pasalamatan ang kanilang mga fans.

Kasama ang ilang South Korean cabinet ministers, sinubukan ni Kim gawin ang hand gesture


Nagtanong pa siya sa ilang gabinete ng South kung paano ito gawin.

Maituturing itong ‘instagram’ moment para sa North Korean leader, kabilang na ang litrato kung saan hinawakan niya ang kamay ni South Korean President Moon Jae-in na makatawid sa border papasok ng kanilang bansa noong una nilang meeting.

Facebook Comments