VIRAL: Pampublikong paaralan sa Imus Cavite, naka-tiles ang buong school grounds

Courtesy Facebook/Arturo Rosaroso

Naging viral sa social media ang bagong hitsura ng isang pampublikong paaralan sa Imus, Cavite.

Kamakailan, ibinahagi ni Arturo Rosaroso, principal ng Imus National High School, ang larawan ng naka-tiles na school grounds. Agaw pansin rin ang kaayusan at kalinisan ng nasabing paaralan.

Ayon kay Rosaroso, naging matagumpay ang pagpapaganda sa eskuwelahan dahil sa tulungan ng LGU, NGO, GPTA, Alumni organization, Rotary Club of Imus, SDO, at Civic Society.


Samu’t-saring reaksyon ang inilabas ng netizens ukol sa proyektong ito. Ang ilan sa kanila, tuwang-tuwa sa effort ng paaralan.

Screenshot via Facebook/Arturo Rosaroso

Samantala, nag-aalala ang iba dahil baka delikado ito sa mga mag-aaral tuwing umuulan.

Screenshot via Facebook/Arturo Rosaroso

Ngunit ayon kay Rose Rabino Riva, walang estudyanteng nadudulas sa ginawang tiles dahil sila ay mga disiplinadong mamamayan ng Imus.

Sa ngayon, 5,000 ang shares at comments ng nasabing post.

 

Facebook Comments