Viral post na may isang lalaki sa Maynila ang sapilitang pinakain ng hindi pa tukoy na substance, iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng Manila Police District ang viral na Facebook post ng isang insidenteng nangyari sa lungsod kamakailan.

Batay sa kumakalat na post, isang lalaki ang sapilitang pinalunok ng hindi pa tukoy na substance na nangyari sa Pedro Gil St. sa Ermita, Maynila.

Kasunod nito ay agad nag-agaw buhay umano ang lalaki.


Ayon sa MPD, agad silang nakipag-ugnayan sa Philippine General Hospital (PGH) at sa Manila City Hall Task Force para mag-imbestiga sa insidente.

Batay sa imbestigasyon at sa mga nakalap na ebidensiya, nagkaroon umano ng misrepresentation na nagdulot ng takot at panic sa publiko.

Sa ngayon ay burado na ang post at nag-isyu na rin ng public apology ang babae.

Nagpaalaala naman si MPD Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay sa publiko na maging responsable sa pagpapakalat ng impormasyon online.

Hinikayat din nito ang mga nakakaalam o personal na nakakita sa pangyayari na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Facebook Comments