COMELEC, aminadong hirap resolbahin ang isyu sa vote buying dahil sa umiiral na lumang election code

Aminado si COMELEC Chairman George Erwin Garcia na hirap silang habulin ang mga gumagawa ng vote buying dahil sa umiiral na lumang 1985 Election Code.

Sa idinaos na COMELEC-PNP Night ng Manila Overseas Press Club (MOPC) sa Makati City, sinabi ni Garcia na hindi sakop ng lumang election code ang vote buying sa pamamagitan ng electronic wallets.

Sinabi rin ni Garcia na dahil sa lumang automated election, hindi nila mahabol ang mga kandidatong gumagastos ng sobra-sobra sa pangangampanya.


Ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi nila mapatanggal ang mga naglalakihang billboards ng mga kandidato.

Ang idinaos ng MOPC na COMELEC-PNP Night ay pormal na binuksan ni Radio Mindanao Networks Inc. Chairman and CEO Eric Canoy na siya ring pangulo ng MOPC.

Facebook Comments