Fake news ang kumalat sa social media tungkol sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia na ginahasa, pinatay, at tinanggalan pa ng mata nitong buwan.
Sa pamamagitan ng Facebook, mariing pinabulaanan ni Raymond Lopez ang mga naglabasang post, video, at meme kung saan makikita ang retrato niya “habang nabubuhay pa” katabi ang isang duguan at hubo’t-hubad na bangkay.
Nakasaad sa post ni Lopez noong Oktubre 11 ang mensaheng: “I AM NOT DEAD YET. Do not immediately believe anything you read or see on social media.”
Aniya, may ideya na sila sa kinaroroonan ng content publisher.
Hirit pa ng OFW, “Oh paano guys tambak pa ‘ko ng trabaho!”.
Sa sumunod na post, inihayag ni Lopez ang pagkadismaya sa mga kapwa-Pinoy na naging mapanghusga sa bansang pinagtratrabahuan ngayon.
Ibinahagi din niya ang totoong nangyari hinggil sa viral post ng kalunos-lunos na sinapit ng isang OFW sa parehong bansa noong nakaraang taon.
“TRUE STORY — An OFW in Saudi Arabia, identified as Lemuel Lansangan, 39 years old, was brutally killed by an unidentified suspect on December 8, 2018 in Saudi Arabia. His eyes were removed, and his internal organs were also taken out from him. upon opening his casket they saw that his body had bruises and that he looked like a mummy.”
Paglilinaw ng Pinoy worker, hindi totoong ginahasa at pinatay ng Saudi nationals si Lansangan.
“TO CLEAR THINGS UP — Ruel Lansangan was not a victim of rape, he died here in Saudi Arabia last year and the suspect is not Saudis but other nationality.”
Giit ng biktima ng fake news, dapat maparusahan ang mga taong mapanira, mahilig gumawa ng maling kuwento, at gumamit ng larawan ng ibang tao para kumita ng pera.
“The one who make this kind of news should be penalized, doing blogs and putting another person’s picture just to earn money for advertisement payouts is really a ‘bad taste’, Its a shame there are people who enjoy being cruel and nasty to others!,” buwelta niya.