VIRAL | Pusa na may kakayanang hulaan ng tama kung anong team ang mananalo sa FIFA World Cup, usap-usapan

Russia – Usap-usapan ngayon ang isang puting pusa na tinaguriang official Soothsayer ng Russia dahil sa kakayanan nitong mahulaan kung sino ang mananalo sa 2018 World Cup.

Ginawa ng pusang si Achilles ang prediksyon sa pamamagitan ng bowls na may lamang cat food at marka ng bandila ng magkalabang bansa.

Dito ay kinain ni Achilles ang cat food sa bowl na may bandila ng Russia at totoo ngang russia ang nanalo sa opening game ng FIFA kontra Saudi Arabia.


Sabi ni Hermitage Veterinarian Anna Kondratyeva, dumaan sa intense training sa Cats Republic si Achilles.

Si Achilles din ang Psychic Predictor sa FIFA Confederations Cup nitong summer kung saan tatlo sa apat na laro ang nahulaan niya ng tama.

Facebook Comments