Viral “sexy dance” video ng isang performer sa isang event ng NBI, paiimbestigahan ng DOJ

Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang viral video ng “sexy dance” ng isang performer sa isang event ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, ayaw ng DOJ na nangyayari ang ganitong sitwasyon at mananagot ang sinumang dapat managot.

Sisiyasatin aniya ito ng ahensya at titignan ang posibleng pananagutan ng mga opisyal ng NBI.


Giit ni Remulla, wala silang sasantuhin dahil ang ganitong uri ng misbehavior ay hindi dapat konsintihin.

Sa naturang viral video, makikita ang isang babae na nakasuot ng maikling pang ibaba habang sinasayawan ang mga opisyal ng NBI sa isang event nito kamakailan.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang NBI hinggil sa naturang kaso.

Facebook Comments