VIRAL: Sk Chairperson,may istilo ng Pagtulong sa mga Frontliner sa lahat ng Checkpoint

*Cauayan City, Isabela*- Umani ng papuri mula sa mga netizen ang istilong paggawa ng tinapay at pamamahagi na ginagawa ng isang Sangguniang Kabataan para makatulong sa mga frontliner na mahigpit na nagpapatupad ng ‘enhanced community quarantine’ sa mga checkpoint sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng *98.5 iFM Cauayan* kay SK Chairperson Jayson Purificacion ng Labinab, Cauayan City, ito aniya ay pagsubok ng diyos kaya’t naisipan niya ang paggawa ng sariling tinapay at pagbibigay sa lahat ng mga frontliner sa mga checkpoint na inilatag.

Dagdag pa niya, dahil natigil ang operasyon ng kanilang bakery ay mas minabuti nitong ipakita ang suporta at bayanihan sa mga nakatalaga sa mga checkpoints.


Naisip din aniya na sa halip na maghintay ng tulong sa gobyerno ay boluntaryong gagawa na lamang ito ng paraan para makatulong sa pamahalaan dahil sa kinakaharap na sitwasyon ng bansa.

Kaugnay nito, may ilang mabubuting puso na rin aniya ang nagpaabot ng tulong pinansyal para magpatuloy ang kanyang proyekto habang umiiral ang quarantine.

Ang ilan naman ay nagpaabot na ng tubig, kape at iba pang pangunahing kailangan ng mga itinuturing na bayani ng bayan.

Binigyang diin nito ang kanyang hashtag #Solusyong Militar at Medikal plus Volunteer ang kailangan.



Facebook Comments