Virtual arraignment sa patung-patong na kaso ni dating Cong. Arnie Teves, isasagawa ngayong hapon

Muling sasalang sa arraignment si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ngayong Martes.

Bago mag-alas dos ng hapon ay pumasok na sa court room ang prosekusyon at defense para sa virtual arraignment kaugnay sa mga kasong pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo noong 2023.

Hindi personal na dumalo si Teves at isinagawa ang pagdinig sa pamamagitan ng video conference dito sa Manila Regional Trial Court Branch 51.

Nahaharap ang dating kongresista sa patung-pating na reklamo partikular ang 10 counts ng murder, 3 counts ng frustrated murder at 5 bilang ng attempted murder.

Si Teves ang itinuturong utak sa pagpaslang kay Governor Degamo at iba pang indibidwal noong March 2023.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Teves na pinauwi sa bansa mula sa Timor Leste noong May 29.

Facebook Comments