Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na hindi pa kumakalat sa ibang lugar ang virus na dahilan ng pagkamatay ng baboy sa bahagi ng Rizal.
Ayon kay Noel Reyes, tagapagsalita ni DA Secretary William Dar, sa ngayon ay hindi pa tukoy kung ano ang naturang virus pero para makasiguro, pinatay na ang lahat ng baboy sa 1-kilometer radius sa apektadong lugar.
Sa loob naman ng 7-kilometer, tadtad ng quaratine checkpoint para makatiyak na walang kontaminadong baboy ang makalabas.
Katuwang nila sa pagbabantay ang National Meat Inspection Service, pulisya at local government.
Kasabay nito, siniguro ng DA sa publiko na walang karne na kontamido ang makakarating sa pamilihan dahil hinahanapan ng permit ang mga nagdedeliver tulad ng health certificate at meat inspection certificate.
Umapela naman ang DA sa publiko na ipagbigay-alam agad sa kanila kung may insidente na may mga nagkasakit na baboy sa inyong lugar.