Tuesday, March 31, 2026

Visa relief sa mga dayuhang naipit sa bansa dahil sa Middle East tension, pinalawig ng DOJ

Pinalawig pa ng Department of Justice (DOJ) ang palugit para sa mga dayuhan sa Pilipinas na nag-expire na ang visa ngunit apektado ng tensiyon sa Middle East.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, extended hanggang May 1 ang visa relief para sa mga dayuhang stranded o apektado ang mga biyahe.

Batay sa orihinal na kautusan, hanggang bukas, April 1, lamang papayagan ang mga dayuhang nag-expire ang visa noong February 28 na manatili nang walang babayarang multa.

Layon nito na matulungan ang mga dayuhan at makapagbigay ng kaunting ginhawa o simpatya dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.

Facebook Comments