VM Nelson Legacion, or, Coun. Nene De Asis : Sino Ang Bet Mo for Team Naga 2019 Loxal Elections?…

<rmn.ph/wp-login.php>
Hati ngayon ang Sangguniang Panlungsod ng Naga City kaugnay ng kung sino ang magiging flag bearer ng Team Naga sa darating na 2019 local elections.
Ito ay matapos mag-signify ng kanyang interes na dumaan sa proseso si Councilor Nene de Asis na interesado namang tumakbo bilang mayor ng Naga City sda darating na election sa 2019.
Ayon sa impormasyon, marami sa mga kasamahan ni Councilor De Asis ang nakikisuyo sa kanya na huwag ng ituloy ang kanyang interes na tumakbong mayor at bigyang bwelo na lamang si incumbent Naga City Vice-Mayor Nelson Legacion. Si Councillor Elemer Baldemoro ay isa sa mga nakiusap kay Nene De Asis na mag-withdraw na lamang sa kanyang aspiration na mapabilang sa proseso kung saan pagpipilian ng Team Naga ang mga kakandidato bilang mayor, vice mayor at mga konsehal ng Naga City sa darating na 2019 election. Sa lahat ng myembro ng Naga City Council ngayon, solo lang si Councilor Miles Raquid Arroyo na nagpahayag ng kanyang suporta sa aspirasyon ni De Asis na mapabilang din sa mga pagpipilian para maging pambato ng Team Naga sa pagka-mayor ng Naga City sa 2019 elections.
Kung kayo ang tatanungin, sino po ang gusto ninyong maging kandidato ng Team Naga Sa pagka-MAYOR sa darating na 2019 elections, si incumbent Vice-Mayor Nelson Legacion or, si incumbent 3-termer Councilor Nene De Asis?…
Sa panayam ng rmn naga-dwnx kay Councilor Nene de Asis, napag-alaman na ang kanyang mga nagging hakbang ay hindi lingid sa kaalaman ni VP Leni Robredo. Tinatayang suportado rin ni Mayor John Bongat ang hakbang na ito ni De Asis ng, sa kabila ng pangungulit ng ilang opisyal ng Naga City Council kay Nene de Asis na mag-withdraw na lang, sinabi ng mabait na Mayor ng Naga City na HUWAG MAG-WITHDRAW.”
Si Mayor John G. Bongat ay 3-termer Mayor ng Naga City ay hindi na tatakbo pa sa anumang electoral position sa darating na 2019 elections, ayon sa kanyang pahayag nang makapanayam ng RMN Naga – DWNX sa programang Doble Pasada.

<rmn.ph/wp-login.php> <rmn.ph/wp-login.php>

Facebook Comments