Volcanic activity ng Buklang Taal, bahagyang tumaas – PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng serye ng mahihinang pagyanig sa paligid ng Bulkang Taal kahapon.

Sa tala ng PHIVOLCS, umabot sa 50 tremor episodes na may pagitan ng dalawa hanggang limang minuto ang nangyari – isang kilometro sa ilalim ng volcano island.

Senyales ito ng tumataas na hydrothermal activity.


Noong February 13, aabot sa 68 na mahihinang tremor episodes ang naitala ng PHIVOLCS sa Taal Island.

Bukod dito, nakitaan din ng ground deformation ang volcano island.

Gayumpaman, ang Bulkang Taal ay nananatili sa Alert Level 1 kung saan mataas ang posibilidad na magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions,

Nananatili pa ring bawal pumasok sa permanent danger zone, lalo na sa bisinidad malapit sa main crater at Daang Kastila fissure.

Facebook Comments