Song Hye Kyo isiniwalat ang dahilan ng hiwalayan nila ni Song Joong Ki

Nagsalita na ang South Korean actress na si Song Hye Kyo tungkol sa hiwalayan nila Song Joong Ki.

Sa pamamagitan ng United Artists Agency (UAA) na humahawak kay Hye Kyo, inilahad nito ang rason kung bakit humantong sa divorce ang dalawang taong pagsasama.

“After careful consideration, actress Song Hye Kyo and her husband are taking the first steps toward a divorce,” tugon ng isang representative ng ahensiya.


Ang umano’y sanhi ng hiwalayan ay magkaibang ugali na nauuwi sa madalas na pagtatalo o hindi pagkakaunawaan.

“The reason [for the divorce] is differences in personality and because the two were unable to overcome their differences, they were forced to come to this decision,” dagdag pa ng kampo ni Hye Kyo.

Hiling ng isa sa pinakasikat na SoKor actress, respeto at pang-unawa sa naging decisyon nila.

Naunang kinumpira ni Park Jae Hyun, abogado ni Song Joong Ki, ang balitang nag-file ng divorce ang Korean heartthrob nitong Miyerkules, Hunyo 26 sa Seoul Family Court.  

Facebook Comments