VOTE COUNTING MACHINES NA GAGAMITIN SA ELEKSYON, DUMATING NA SA PANGASINAN

Dumating na sa lalawigan ng Pangasinan noong Biyernes, ika-15 ng Abril ang mga gagamiting vote counting machines o VCMs sa darating na halalan 2022.
Nasa 3,339 na makina ang ipinadala na gagamitin ng 2, 096, 936 na mga registered voters na Pangasinense.
Kabilang din sa mga dumating ay ang 49 canvassing laptops at 104 na Broadband Global Area network o BGAN Na gagamitin para sa pag tatransmit ng boto sa May, 9.

Inilagay ang naturang kagamitan sa isang hub sa Urdaneta at Dagupan City kasama ang kawani ng PNP, COMELEC at PPCRV.
Ayon kay Atty. Eric Oganiza, Pangasinan COMELEC provincial supervisor, naka schedule ang final testing and sealing sa May 6 2022, na gaganapin sa mga polling precincts.
Matatandaan na unang dumating sa probinsiya ang 90% ng ballots ang dumating noong mga nakaraang linggo sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments