BEACHES AT PASYALAN SA WESTERN PANGASINAN, DINAGSA AT NAABOT ANG TOURIST MAXIMUM CAPACITY

Dinagsa ng mga turista at bisita mula sa iba’t ibang lugar ng Pangasinan at mga karatig lugar ang Western Pangasinan na hitik at ipinagmamalaking beaches doon.
Simula Maundy Thursday hanggang Black Saturday ay naitala sa Patar Beach at Bolinao Falls ng Bolinao at Tondol Public White Sand Beach ng Anda ang maximum holding capacity ng mga ito para sa mga turistang bumibisita.
Naranasan din ang pagbigat ng daloy ng trapiko palabas at papunta sa mga lugar dito dahil sa dagsa ng bisita na nagtungo.

Kasabay naman ng pagdagsa ng mga tao ay ang pagsiguro naman ng kaligtasan ng mga tao sa lugar kung saan nagdeploy ang bawat lokal na pamahalaan ng mangunguna sa pagbabantay sa kaligtasan ng mga tao gaya na lamang ng mga PNP, Local Disaster Response Team, at Force Multipliers.
Samantala, tuloy din naman ang pagbabantay sa mga lugar dito dahil sa may inaasahang pang magbabalik na turista para sulitin bago ang muling pagbabalik sa trabaho at eskwela. | ifmnews
Facebook Comments