“Vote to Tote”, inilunsad ng Quezon City Government sa QC City Jail

Inilunsad ng Quezon City local government unit (LGU) ang “Vote to Tote” livelihood program para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit sa QC Jail Female Dormitory.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng livelihood project sa ilalim ng “No Women Left Behind” kung saan layon nitong mabigyan ng kabuhayan ang mga babaeng PDL sa lungsod sa pamamagitan ng pagre-purpose ng mga tarpaulin na ginamit ng mga kandidato sa nakalipas na eleksyon upang gawin itong tote bags.

Paliwanag ng alkalde, matututo ang mga PDL kung paano magtahi at kung paano maibebenta ang mga nagawang produkto.


Layon din ng programang maiwasan ang matinding pagbaha dulot ng mga lumang posters.

Katuwang ng QC-LGU sa programang ito ang ilang mga non-government organization at mga bag designer.

Facebook Comments