Ilang bahagi sa Maynila, makararanas ng power interruption bukas

41

Makararanas ang ilang bahagi ng Maynila ng power interruption simula 8:30-9:00 ng umaga hanggang 4:00-4:30 ng hapon bukas, May 29.

Ito ang paalala ng Manila Public Information Office base sa anunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO.

Kabilang sa mga apektado ay mga residente sa Soler, Masangkay, Benavidez, Sabino Padilla, at Ongpin sa Binondo at Sta. Cruz sa Maynila.


Ayon sa MERALCO, ito ay dahil sa isasagawang replacement of poles, line reconductoring works and installation of additional lightning protection devices sa nabanggit na mga lugar.

Para sa ibang mga detalye, maaaring tingnan ang website ng Meralco.

Facebook Comments